China at Amerika
International

China at Amerika, nagkasundo ng ceasefire sa trade war

PANSAMANTALANG tinapos ng China at Amerika ang nag-uumapaw na trade war sa pagitan ng dalawang bansa.

Tinapos ito sa nagdaang G20 Summit sa Argentina noong Sabado.

Kabilang sa napagkasunduan ay ang pagpataw ni Trump ng 10% buwis imbes na 25% sa 200 bilyong dolyar na Chinese imports.

Magsimula ito sa Enero 1, taong 2019.

Kapalit nito ay pumayag ang China na bumili ng sapat na dami ng agricultural, energy, industrial.

At iba pang mga produkto galing Estados Unidos.

Napagkasunduan din ng dalawang bansa na muling itataas sa 25% ang taripa sa Chinese imports.

Sakaling hindi matupad ang napag-usapan sa loob ng 90 araw.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *