Nanindigan
National

Chief Justice De Castro, sinagot ang mga bumabatikos sa kanya

Nanindigan si Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro na karapat-dapat siya sa posisyon bilang bagong Supreme Court chief justice.

Sinabi ni De Castro na hindi sagabal ang halos dalawang buwan lang nitong panunungkulan sa Korte Suprema.

Magiging maiksi na lamang ang termino ni De Castro dahil sa nalalapit nitong pagreretiro sa Oktubre a-otso ng taong ito.

Si De Castro ay nakakuha ng anim na boto na tumabla kay Justice Diosdado Peralta.

Welcome kay senior associate justice at Acting Chief Justice Antonio Carpio ang appointment ni De Castro bilang bagong Punong Mahistrado.

Suportado naman ni Ombudsman Samuel Martires ang pagkakatalaga kay De Castro.

Ayon kay Martires, deserve si De Castro bilang chief justice dahil sa pagiging mabuting tao, istrikto at workaholic.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *