International

CFO ng German energy group, malubha ang pinsalang natamo mula sa acid attack

Nakatamo ng malubhang pinsala ang Chief Financial Officer ng German energy group na Innogy na si Bernhard Guenther dahil sa acid attack.

Ayon sa pahayag ng Duesseldorf police, inatake ang 51-taong gulang na chief financial officer ng dalawang kalalakihan sa isang park ng Haan kung saan nakabase ang Innogy  noong nakaraang linggo ng umaga.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng Duesseldorf police ang dalawang suspek habang iniimbestigahan na rin ang motibo ng nasabing pag-atake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *