Central Luzon
Metro

Central Luzon, binaha dahil sa kapabayaan

Binatikos ni Senador Cynthia Villar ang mga lokal na pamahalaan sa Central Luzon kaugnay sa nangyaring matinding pagbaha sa lugar dahil sa sunod-sunod na pag-ulan dala ng bagyo.

Ipinunto ni Villar na bagamat hindi kontrolado ang masungit na panahon ay maiiwasan sana. Ang pagbaha kung hindi naging pabaya ang bawat LGU’s sa kanilang kapaligiran.

Giit ni Villar na dapat tinututukan ang paglilinis ng mga baradong ilog na madalas umaapaw tuwing panahon ng tag-ulan.

Diba lahat sila sa Central Luzon ay part sila sa mandamus ng Manila Bay like Pampanga, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan. Yung river nila bukod ng Manila Bay. Pag hindi maayos ang Manila Bay, bahain sila.” – Sen. Cynthia Villar, Chairman, Senate Committee on Environment and Natural Resources

Sa Las Piñas, napapanatili ni Senador Villar ang paglilinis ng Las Piñas River, daan upang maiwasan ang pagbaha.

Matatandaan na kamakailan lamang ay dumanas ng matinding pagbaha ang Tarlac at Nueva Ecija.

Nagdeklara na rin ng state of calamity ang ilang lugar sa Bataan, maging ang sa lalawigan ng Pangasinan, at Cavite.

Kaugnay nito ay pinangunahan ni Senador Cynthia Villar ang isang tree planting activity sa Las Piñas-Paranaque Critical Habitat and Eco Tourism Area.

Katuwang ang United Nations Information Center, ito ay isinagawa bilang paggunita sa ika-isandaang kaarawan ni South African President Nelson Mandela na isa ring environmentalist.

The late president was very conscious to the environment . He was very particular in providing clean water to the commuities.” – Sen. Cynthia Villar
Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *