NBA Playoffs
Sports

Cavs, winalis ang Raptors sa NBA Playoffs

Hinihintay na ng Cleveland ang panalo sa pagitan ng 76ers at Celtics sa nagpapatuloy na NBA Playoffs series.

Ito ay matapos na maipanalo ng koponan ang game 4 kontra Raptors sa iskor na 128-93 dahilan upang makamtan ang 4-0 series sweep.

Tutungo ang Cavaliers para sa Eastern Conference Finals at haharapin nito ang panalo ng Celtics-76ers series.

Nanguna sa Lebron James sa Cavs na may 29 points, 11 assists at 8 rebounds sumunod si Kevin Love na may 23 points at 6 rebounds habang si Kyle Korver ay naka-iskor ng 16 points.

Samantala, hindi tuluyang nawalis ng Boston ang Philadelphia sa Game 4 series ng kanilang laro matapos na matalo ito sa iskor na 103-92.

Sa kabila nito, kasalukuyang pa ring nangungna ang Celtics sa series lead na 3-1

Gaganapin ang game 5 ng kanilang series sa TD Garden sa Boston sa Miyerkules, araw ng Huwebes dito sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *