Sports

Cavs pinataob ang Celtics sa Game 1 ng ECF


Pinataob ng defending National Basketball Association (NBA) champion Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics sa Game 1 ng Eastern Conference Finals (ECF) sa score na 117-104.
Nanguna sa panalo sa Cavs si Lebron James na kumamada ng 38 points samantalang nagtala ng double-double performance si Kevin Love sa kanyang 32 points at 12 rebounds.
Nahirapan naman sa opensa si Isaiah Thomas na nagposte lang ng 17 points sa kanyang 7-19 shooting para sa Celtics.
Matatandaang mahaba ang naging pahinga ng Cavs dahil sa maagang pag-abante sa conference finals samantalang ang Celtics naman ay napuwersa pang maglaro sa Game 7 kontra- Washington Wizards.
Magaganap ang Game 2 sa Sabado sa teritoryo pa rin ng Celtics.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *