NBA Eastern Conference Finals
Sports

Cavs, makakaharap ang Celtics sa NBA Eastern Conference Finals

Nakatakdang magharap ang Cleveland Cavaliers at Boston Celtics sa NBA Eastern Conference Finals.

Ito’y matapos talunin ng Celtics ang Philadelphia 76ers.

Hindi naging madali para sa Boston Celtics ang pag-dispatsa sa Philadelphia 76ers para makapasok sa NBA Eastern Conference.

Mula una ang hanggang sa huling yugto ng laro ay naging dikit ang laban.

Pero sa huli ay nanaig pa rin ang Celtics.

Nanguna sa koponan si Jayson Tatum sa kanyang 25 points. Nag-ambag naman si Jaylen Brown ng 24 points, at 17 points mula kay Terry Rozier.

Hindi umubra para maipanalo ang 76ers ang tig-27 points nina Joel Embiid, at Dario Saric.

Nagkasya naman sa 18 points ang NBA Rookie of the Year prospect na si Ben Simmons.

Ang mananalo sa pagitan ng Cavs kontra Celtics at Golden State Warriors laban sa Houston Rockets ang maghaharap sa NBA Finals.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *