NBA
Sports

Cavs at Celtics, tabla na sa NBA East Finals

Pinayuko ng Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics sa Game 4 ng kanilang best of 7 series sa NBA Eastern Conference Finals sa iskor na 111-102.

Dahil dito tabla na sa 2-2 ang Cavs at Celtics.

Nanguna parin para sa Cavs si Lebron James sa kanyang 44 na points.

Umarangkada naman ng 14 points si Kyle Corver at tig-13 points naman sina Tristan Thompson at George Hill.

Si Jaylen Brown naman ang nanguna sa Celtics sa kanyang 25 points.

Nag-ambag naman 17 points ang forward na si Jayson Tatum at 16 points si Terry Rozier para pa rin sa Boston.

Ang Game 5 ng kanilang laro ay gaganapin sa Huwebes sa kampo ng Boston.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *