Catriona Gray
Showbiz

Catriona Gray, naiuwi ang ika-apat na Miss Universe title ng Pilipinas

Kinoronahan bilang Miss Universe 2018 ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray.

Bigo mang maiuwi ang titulo sa Miss World noong 2016 ay nagtagumpay naman ang Albay beauty na masungkit ang ika-apat na miss universe crown ng pilipinas.

Tinalo ni Catriona ang siyamnapu’t tatlo pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Tinanghal naman bilang second runner up ang pambato ng Venezuela na si Sthefay Gutierrez at first runner up si Tamaryn Green ng South Africa.

Ginanap ang 67th edition ng Miss Universe sa impact arena sa Bangkok, Thailand.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *