Metro

MMDA nagsagawa ng clearing ops sa Baclaran

Nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Baclaran. Kabilang sa mga inalis ay ang mga iligal na terminal ng public utility vehicles at sidewalk vendors. Tumungo rin sa lugar sina MMDA General Manager Tomas Orbos, Pasay Mayor Antonino Calixto at Parañaque Mayor Edwin Olivarez para mag-inspeksiyon.

Metro

MRT nagkaaberya sa Guadalupe Station

Muling nagkaaberya ang tren ng MRT-3 ngayong umaga. Sa abiso ng MRT, alas-10:28 ng umaga nang pinababa ang mga pasahero sa Guadalupe Station Northbound dahil sa problemang teknikal. Una nang iginiit ng pamunuan ng MRT na dahil sa matinding init ng panahon, kaya nagkakaaberya ang kanilang operasyon.

Metro

1 sugatan sa banggaan sa QC

Sugatan ang isa sa dalawang pasahero ng taxi matapos na bumangga sa isang kotse sa Scout Ybardolaza, Quezon City (QC). Ayon sa drayber ng taxi, mabilis na sumulpot ang kotse sa kanto ng Scout Ybardolaza at Rallos kaya sila nagkabanggaan. Dahil sa lakas ng banggaan ay tumagilid sa kalsada ang kotse. Agad namang nilapatan ng Read More