Canadian cyclist
Sports

Canadian cyclist, nanguna sa 2018 La Vuelta Cycling Tour

MATAGUMPAY na tinapos at pinangunahan ng Canadian cyclist na si Michael Woods ang kaniyang naging karera sa Stage 17 ng 2018 La Vuelta Cycling Tour.

Ito ay pagkaraang tinahak ni Woods ang mountain stage ng competition.

May layo itong humigit kumulang na 157 kilometer pataas ng Balcon de Bizkaia sa Basque Country.

Naunahan ni Michael Woods ng 5 segundo ang kalapit na katunggali nitong si Dylan Teuns.

Naka abante ng 10 segundo naman kay David de la Cruz.

Sa naging pahayag naman ni Michael Woods, aniya espesyal ang naging pagtatapos nito ng narating na niya ang finish line.

Aniya pinilit nitong umarangkada dahil na din sa kaniyang pamilya na kaniyang inspirasyon.

Kabila aniya ng lahat ng di magandang nangyari at sa pagkawala ng kaniyang anak na si Hunter ngayong taon.

“It’s a special moment for me. I was very moved on the finish line,” ayon kay Woods.

“It’s been a very hard year. I was cracked on the finish line,” aniya pa.

“I tried to stay calm. I tried to think of my family and to think of my little Hunter as an inspiration.”

Si Michael Woods na nagmula sa Education First-Drapac ang kauna-unahang nakapag-uwi ng stage win sa grand tour race para sa kaniyang team.
SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *