National

Canada PM Trudeau, kumain sa fast food chain pagdating sa bansa

AGAD na sumabak sa aktibidad si Canadian Prime Minister Justin Trudeau pagdating sa Pilipinas.
Mula sa Clark International Airport kung saan ito lumapag, diretsong dinalaw ni Trudeau ang likhaan, na isang non-governmental women’s health advocacy group sa Maynila.
Pagkatapos nito, dumaan ang entourage ng Prime Minister sa sikat na Pilipino Fast Food Chain para kumain.
Nag-take out ang prime minister ng burgers para sa kaniya at sa buong entourage nito.
Si Trudeau ay nasa Pilipinas para dumalo sa 31st ASEAN Summit na ginagap sa Pasay City.
 
(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *