Missing in action
Sports

Calvin Abueva, missing in action pa rin                 

Missing in action pa rin si Calvin Abueva.

Lunes ng gabi ay hindi rin nagreport ang tinaguriang “The Beast” ng PBA, sa practice ng Gilas National Team.

Matapos ang 2018 PBA All Star Week noong nakaraang buwan, ay hindi pa nagpapakita si Abueva maging sa kanyang Alaska Aces Team.

Kahit na nag-AWOL sinabi ni Gilas Head Coach Chot Reyes na hindi nila inaalis sa line-up si Abueva.

Hindi ito ang unang pagkakataon na missing in action si Abueva.

Ilang beses ring nawala ang Pampanga native sa laro sa unang bahagi ng 2018 Philippine Cup dahil umano sa personal na problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *