buwis sa sigarilyo
National

Buwis sa sigarilyo, nais itaas ng tatlong beses

NAIS ng isang advocacy group na taasan ng halos tatlong beses ang buwis sa sigarilyo at iba pang produktong tobacco.

Dapat umano itong gawing 90 pesos ang cigarette tax sa kada pakete.

Sinabi ito ng Rural Poor Institute for Land and Human Rights Services Incorporated (Rights Inc.).

Ito anila ay upang mahikayat ang mas maraming Pinoy na tigilan na ang paninigarilyo.

Mas maraming kabataang Pinoy ang hindi kayang makabili nito at magreresulta ito sa kaunting bagong smokers sa hinaharap.

Ito ang paniniwala ni Cynthia Esquillo, pinuno ng Anti-Tobacco Advocacy Program sa nasabing grupo.

Kapag aniya ginawang P90 ang buwis sa kada pakete ng sigarilyo.

Kapag aniya kumaunti na ang mga naninigarilyo ay bababa sa mga susunod na taon ang bilang ng mga pasyente.

Kabilang dito ang may sakit sa bibig, baga, lalamunan at iba pang uri ng cancer na karaniwang sanhi ng paggamit ng tabako.

Mula P35 kada pakete ay isinusulong sa Senado na itaas sa P60 ang buwis sa sigarilyo.

Nagpahayag naman ng pagsuporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang patawan ng karagdagang excise tax ang tabako at alak.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *