Metro

Bus, hinoldap ng 3 armadong lalaki; 1 patay, 2 arestado

Patay ang isang lalaki samantalang arestado naman ang dalawa pa nitong kasamahan na nangholdap sa isang bus sa EDSA.
Nagkataon naman na isang nakasibilyang pulis ang sakay rin ng naturang bus.
Nagkasabay umanong nagpaputok ang holdaper at ang pulis na agad ikinasawi ng isa sa mga suspek.
May rutang Malanday-NAIA via EDSA ang hinoldap na Diamond Star Bus na may plakang UYB 132.
Samantala, patay rin ang dalawang suspek sa panghoholdap sa isang gasolinahan sa V. Luna Avenue sa Barangay Pinyahan sa Quezon City.
Ito ay matapos makaengkuwentro ng mga suspek ang mga rumorondang pulis sa lugar.
Natangay umano ng mga ito mula sa gasolinahan ang animnaraang piso at isang cellphone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *