National

Bulkang Mayon, nananatili pa rin sa Alert Level 4 status

Nananatili pa rin sa Alert Level 4 status ang Bulkang Mayon sa Albay.

Ito ay dahil sa patuloy na pagbuga ng lava mula sa bunganga ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Kasabay nito ang sunopd-sunod na pagdagundong at ang pagbuga ng kulay abong usok na sinabayan pa ng pagdaloy ng pyroclastic density current sa bahagi ng Miisi, Basud at Bonga Gullies.

Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala ang bulkan ng kabuang 273 volcanic earthquake at weak fountaining events, labing limang tremor events at pitong rockfall events.

Nasa 2,299 tonelada din ng asupre ang nailuluwa ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *