Nagbuga ng abo
Regional

Bulkang Mayon, nagbuga ng abo

Nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon, kahapon ng umaga.

Dahil dito, binalaan ni PHIVOLCS Director Renato Solidum ang mga residenteng nakatira sa loob ng anim hanggang pitong kilometrong extended danger zone na huwag lumapit sa no man’s land.

Ito aniya ay dahil maaaring pumutok anumang oras ang bulkan.

Na-obserbahan ang ibinugang abo ng Mayon patungo sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan.

Nakataas pa rin ang alert level 2 sa Bulkang Mayon.

Inirekomenda ng PHIVOLCS na pagbawalan ang pagpasok sa 6 kilometer-radius permanent danger zone sa paligid ng Mayon.

Hinimok din ng ahensya ang mga otoridad na ipatupad ang 7 kilometer extended danger zone mula Anoling, Camalig hanggang sa mga bayan ng Sta. Misericordia at Sto. Domingo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *