TPB
National

Buhay Carinderia program ng TPB, sinuspende ni Sec. Puyat

Pinabubusisi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Commission on Audit (COA) ang lahat ng proyekto ng Tourism Promotions Board (TPB).

Ito’y kasunod ng maanomalyang walumpung milyong pisong pondo para sa Buhay Carinderia project ni TPB Chief Operating Officer Cesar Montano.

Sinabi ni Puyat na nagsumite na ang kanyang tanggapan ng request kay COA Chairman Michael Aguinaldo na humihiling na isailalim sa audit ang lahat ng kasalukuyan at nakabinbin pang programa ng TPB.

Sinuspinde muna ni Puyat ang “Buhay Carinderia” program ng TPB habang hinihintay ang report ng COA  sa nasabing programa.

Pinulong na rin ni Puyat si Montano kaugnay sa maanomalyang proyekto.

Sisilipin din ng kalihim ang lahat ng kontrata ng DOT at ipatutupad lamang ang mga proyektong dumaan sa tamang proseso.

Imbestigasyon kay Cesar Montano, ipinaubaya kay Sec. Puyat

Ipinauubaya na ng Malakanyang kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na imbestigahan si Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na binubusisi na ni Puyat ang kontrobersyal na walumpung milyong pisong pondo sa “Buhay Carinderia Program”.

Ayon kay Roque, hahayaan na muna ni Pangulong Rodrigo Duterte si Puyat na alamin ang puno’t dulo ng “Buhay Carinderia” na inilunsad ng aktor.

Una nang inireklamo ng mga empleyado si Montano dahil sa pagpasok sa multi-million peso deal na walang approval ng board, pagkuha ng mga kamag-anak at kabigan bilang sariling staff at paggamit sa pondo ng gobyerno para sa kanyang personal na biyahe.

Isang Usec lang ang mananatili sa puwesto sa DOT – Sec. Puyat

Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na isa lang ang ititira niyang incumbent undersecretary sa Department of Tourism (DOT).

Sa isang panayam, sinabi ni Puyat na mananatili sa kaniyang posisyon si Undersecretary Benito Bengzon, Jr.

Matatandaan na unang ipinag-utos ni Puyat sa lahat ng undersecretaries at assistant secretaries na maghain ng courtesy resignation.

Kasunod nito, agad nagbitiw sa posisyon si DOT assistant secretary at Spokesman Frederick Alegre.

Kaugnay nito, sinabi ni Puyat na may lima pang assistant secretaries at undersecretaries ang nagsumite na ng resignations sa pangulo at malalaman ito sa May 21.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *