Palasyo
National

Budget priorities sa 2019, inilahad ng Malakanyang

Ikinatuwa ng Palasyo ang naging mabilis na pagpasa ng Department of Finance (DOF) ng 2019 Propose Budget sa kongreso sa araw ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naisumite agad sa Kongreso ang 3.757 trilyong piso na panukalang budget para sa susunod na taon pagkatapos ng SONA.

Nakasaad sa budget message ni Duterte ang mga prayoridad ng administrasyon ang pagpapalawig ng programa sa human development.

Makakatanggap ng pinakamalaking      halaga ang sektor ng edukasyon na nagkakahalaga ng 659.3 bilyong piso.

Mananatiling prayoridad at paglalaanan ng 909.7 bilyong piso ng gobyerno ang iba’t ibang infrastructure development programs ng Department of Public Works and highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr).

Tinukoy din ang pagseseguro ng internal security ng bansa kung saan ipinapanukalang bigyan ng 225.6 bilyong piso ang Department of Interior and Local Government (DILG).

At 183.4 bilyong piso para sa Department of National defense (DND) at iba pa.

Palasyo, naglaan ng P283-B para sa social programs

Ang 283 bilyong piso ay para sa 4Ps, National Health Insurance Program, Free Tertiary Education, at iba pa

Naniniwala si Roque na dito maipapamalas ni bagong House Speaker Gloria Arroyo na kalinya ito sa legislative agenda ng administrasyon.

Kagaya na lamang ng pagpasa ng budget sa tamang oras.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *