BuCor
Metro

BuCor, may kahalintulad na Anti-Tambay sa Bilibid

Masasabing sa kahalintulad na polisiya ay matagal nang ipinatutupad ni BuCor Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pagbabawal sa mga pakalat-kalat na preso sa loob ng pasilidad ng New Bilibid Prison (NBP).

Layon ng patakaran na maiwasan ang mga iligal na transaksyon sa loob ng Bilibid lalo pa at talamak pa rin ang bentahan at tulakan ng droga sa NBP.

Nilinaw ni Bato na hindi masyadong mahigpit ang kanyang anti-loitering dahil pinapayagan nito ang mga preso na magpapaalam ng maayos gaya ng pagbabanyo.

Hindi kaila kay Bato ang kalakaran ng iligal na droga sa Bilibid lalo na pag dis-oras ng gabi kung saan dito kadalasan nangyayari ang negosasyon sa ipinagbabawal na gamot.

Kasabay nito ang pagmamalaki na, unti-unti nang humuhupa ang problema sa iligal na transaksiyon sa loob ng Bilibid at inaasahang mawawala ito sa patuloy na paghihigpit nito sa ilalim ng kanyang pamunuan.

SMNI News

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *