publiko
Metro

BSP sa publiko: Iwasang magpakalat ng mga ‘di beripikadong impormasyon

Nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na iwasang magpakalat ng mga unverified na reports kaugnay sa pera ng bansa.

Kasunod ito ng pagkalat ng umano’y inilabas ng BSP na buong sampung libong pisong bill, na pinabulaanan ng ahensya.

Nilinaw ng BSP na sa ngayon ay may anim lamang na generation currency banknotes ang nasa sirkulasyon kabilang ang P20; P50; P100; P200; P500; at P1, 000.

Hinikayat din ng Bangko Sentral ang publiko ang paggamit ng barya sa pang-araw-araw na transaksyon.

Una nang inilabas ng BSP ang New Generation Currency (NGC) coins na may bagong disenyo na binubuo ng isang sentimo, singko sentimo, bente singko sentimo, piso, limang piso at sampung piso.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *