National

BSP, muling nagpaalala hinggil sa pagpapapalit ng lumang bersyon ng pera

PAGSAPIT ng darating na taong 2018 ay asahan na mawawalan na ng bisa
ang lumang bersyon ng salapi.
Yan ang muling paalala sa publiko ng Bangko sentral ng Pilipinas (BSP) sa
pangangasiwa ni Deputy Governor Diwa Guinigundo.
Ayon kay Guinigundo, hanggang Disyembre 29, 2017 na lamang ang
pagpapapalit ng lumang pera at sapat na ito sa makalimang ulit na
pagpapalawig ng deadline.

Para sa mga nasa probinsiya, maaaring magpapalit ng bagong bersyon ng
pera sa mga otorisadong universal, commercial, thrift at rural banks, BSP
regional offices
, iba pang mga sangay ng BSP at treasurer’s office ng
probinsiya.
Sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) naman na nakarehistro ang
kanilang bank notes sa online ay hanggang sa Disyembre 31, 2017 ang
deadline ng pagpapapalit.
Dagdag pa, walang bayad ang pagpapapalit ng pera at hanggang P100,000
ang maaaring palitan at kung lumagpas man sa halaga ay dadaanin na sa
tseke.
(Ulat ni John Vallada)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *