British
International

British student na naakusahang espiya sa UAE, nakauwi na

NAKABALIK na ng UK ang British academic student na pinagbintangang espiya at nakulong ng pitong buwan sa United Arab Emirates.

Martes ng umaga nang makalapag ng Heathrow Airport si Matthew Hedges, 31 taon, matapos mabigyan ng pardon ng UAE.

Noong Mayo ay pauwi na sana mula sa kanyang research trip si Hedges nang siya ay dakpin ng UAE officials sa Dubai Airport.

Pinalaya si Hedges matapos manawagan ang UK government na walang sapat na ebidensya sa ibinibintang ng UAE.

Depensa ni Hedges ay naroon siya sa UAE para i-research lamang ang security strategy ng bansa.

Bilang bahagi ng kanyang PHD studies sa Durham University.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *