NGO
International

British NGO, kinondena ang EU sa kalagayan ng mga migrante

MARIING kinondena ng British based NGO na Oxfam ang European Union.

Dahil sa nakakabahalang kondisyon ng mga refugees sa Lesbos, Greece.

Ayon sa Oxfam ay nasa panganib ang daan-daang refugees.

Kabilang ang mga buntis, unaccompanied children, biktima ng sexual violence, torture ang mistulang inabandona sa refugee camps ng Greece.

Sa ilalim ng Landmark Deal ng Eu at Turkey ay napagkasunduan nilang bawasan ang bilang ng mga refugees sa kanilang mga bansa.

At pagbawalan ang mga refugees sa kampo na magpunta sa mainland.

Sinabi rin ng Oxfam na walang sapat na access sa malinis na tubig at medical care ang mga refugees.

At nasa panganib din ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

Dahil dito ay nanawagan ang Oxfam sa EU member states na maging responsable sa mga asylum seekers.

At bigyan sila ng sapat na medical care at ilipat sa mainland ang mga mahihina kung kinakailangan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *