BPO
Regional

BPO company, magbibigay trabaho sa taga-Ilocos Norte

MAGIGING madali na para sa mga Ilocano ang magkaroon ng trabaho.

Dahil magsasagawa ng special recruitment ang isang multinational business process outsourcing company ngayong Biyernes sa kapitolyo ng Ilocos Norte.

Nasa 250 job slots ang maaaring namang aplayan ng mga residente at mga accounting, finance at business-related course graduates.

Nagsimula ang pagtulong ng nasabing BPO sa lugar ng Ilocos noon pang 2015.

Naglalayon itong makapagpasok ng mga newly graduate at experience professionals sa health and finance administration ng kanilang kompanya.

Kasunod nito nagtayo din ang nasabing BPO ng isang three-story building  noong 2016 sa Valdez Center sa San Nicolas.

Bilang business center ng mga lungsod ng Laoag at Batac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *