Bonifacio
National

Selebrasyon ng Bonifacio Day, sinabayan ng kilos-protesta

SINABAYAN ng kaliwa’t kanang kilos-protesta ng iba’t ibang militanteng grupo ang selebrasyon ng Bonifacio Day ngayong araw.

Bago magmartsa papuntang Mendiola, nagsagawa muna ng programa sa Welcome Rotonda sa Quezon City.

Kinabilangan ito ng mga miyembro ng grupong Sentro, Akbayan at Partidong Manggagawa.

Sigaw ng mga ito ang solusyon at aksyon para sa labor issues sa bansa.

Tulad ng mababang pasahod, cheap labor policy, umento na insulto at mataas na presyo ng bilihin.

Nagmartsa na rin patungong Mendiola ang iba pang militanteng grupo.

Sa pangunguna ito ng Kilusang Mayo Uno para ipanawagan ang kanilang iba’t ibang ipinaglalaban.

Kani-kaniyang hawak ng placards at mga tarpaulin ang iba’t ibang grupo ng mga aktibista.

Highlight sa protesta ngayong araw ang pagsunog sa effigy.

Sumisimbolo umano ito sa pagiging tuta ni Pangulong Rodrigo Duterte kina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Mahigpit naman ang isinasagawang pagbabantay ng mga pulis sa mga pinagdadausan ng mga protesta.

Pakiusap ng NCRPO sa mga militante, panatilihing payapa, maayos at malinis ang isasagawa nilang mga kilos protesta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *