National

Bongbong Marcos, hinamon si Robredo na lumagda sa joint motion

Hinamon ni Dating Senador Bongbong Marcos si Vice President Leni Robredo na lumagda sa isang joint motion na nagwi-withdraw sa lahat ng kanilang mosyon.

Ito ay upang masimulan na ang gagawing recount para matuldukan na at matukoy ang tunay na nanalo sa vice presidential race noong 2016.

Nanindigan si Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos na ginagawa nila ito para sa mga Pilipino na may karapatang malaman ang katotohanan.

Una nang ibinintang ni Marcos na nadaya sa nakaraang eleksyon si Robredo base umano sa nakita nilang anomalya sa mga ballot images na ibinigay sa kanila ng Commission on Election (COMELEC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *