Black Panther
Showbiz

Black Panther, itinanghal na Best Movie sa Screen Actor Guild Awards

NAIUWI ng super hero film na Black Panther ang pinakamataas na parangal sa Screen Actors Guild (SAG) Awards 2019.

Iginawad sa critically acclaimed Marvel movie ang Outstanding Performance by Cast in a Motion Picture o Best Movie.

Nakuha din nito ang Outstanding Action Performance by Stunt Ensemble in a Motion Picture Award.

Dahil dito ay naniniwala ang ilang kritiko na malaki ang tiyansa ng Black Panther.

Upang magwagi sa paparating na Oscars Academy Award sa susunod na buwan.

Naganap ang 25th Screen Actor Guild Awards kahapon sa Shrine Auditorium and Expo Hall sa Los Angeles, California.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *