Zamboanga City
Regional

Bise alkalde ng Tawi-Tawi, patay sa pamamaril sa Zamboanga City

Patay sa pamamaril ang isang vice mayor sa Zamboanga City.

Dead on arrival sa ospital si Sapa-Sapa, Tawi-Tawi Vice Mayor Al-Rashid Mohammad Ali.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril ang bise alkalde ng hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng isang motorsiklo. Sa Governor Alvarez, Zamboanga City.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib at ulo si Ali na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam ang motibo sa pagpatay sa bise alkalde.

Ang pagpatay kay Ali ang ikapitong insidente ng pamamaril sa Zamboanga City at ikaapat naman na insidente ng pagpatay sa mga lokal na opisyal sa bansa sa loob lamang ng dalawang linggo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *