Build, Build, Build
National

BIR at BOC, inatasang mangolekta ng P3-T para sa Build, Build, Build

Inaasahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na makakakolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ng 3 trilyong piso (P3-T) sa susunod na taon para mapondohan ang malawakang proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan na Build, Build, Build.

Ayon sa report, umaasa ang DBCC na makukuha ng BIR at BOC

ang target na koleksyon na P3.007-T sa 2019, na bahagyang mataas sa unang naaprubahang target na P2.971-T.

Inatasan ng DBCC ang BIR na makalikom ng P2.345-T, na mataas ng labinlimang porsyento (15%) sa orihinal na collection goal ng ahensya ngayong taon.

Pinanatili ng DBCC ang target na koleksyon ng Customs sa P581.3-B ngayong 2018; ngunit itinaas ang target sa susunod na taon sa P662.2-B.

Upang masuportahan ang Build, Build, Build, itinaas ng DBCC.

Ang deficit spending ceiling para sa 2019 mula 3.0 porsyento (3.0%) sa 3.2 porsyento (3.2%) ng ekonomiya.

Batay sa gross domestic product (GDP) ng bansa.

Ang inter-agency na DBCC ay binubuo ng Department of Finance, Department of Budget and Management, at National Economic Development Authority.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *