National

Bilang ng mga stranded sa mga pantalan, higit 8,000 katao na

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga pasahero na stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Urduja.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 8,483 na mga pasahero ang stranded partikular na sa Bicol at Eastern Visayas.
Hindi rin pinayagang maglayag ang nasa bilang na 887 mga barko, 31 rolling cargoes at 21 motor banca.
Samantala, kanselado naman ang ilang domestic flights Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.
Kabilang sa mga nakanselang flight ang mga biyaheng Manila – Tacloban- Manila, Manila – Legazpi- Manila, Manila – Siargao – Manila At Manila – Masbate – Manila ng Cebu Pacific, PAL Express, SkyJet  at CebGO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *