internet
National

Bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng internet, tumaas

NASA 41% ng mga Pilipino ang gumagamit ng internet.

Mataas ito ng 8% kumpara sa naitala sa nakalipas na 12 taon.

Batay ito sa September 15 to 23 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa survey na 42% ng internet user ay mga kababaihan habang 40% ang mga kalalakihan.

Pinakamaraming gumagamit ng internet sa Classes ABC na may 55%, nasa 43%sa Class D habang 28% sa Class E.

Aabot sa 81% ng internet users ay edad 18 hanggang 24 habang 65% ay nasa 25 hanggang 34-taong gulang.

Nasa 44% naman ng mga gumagamit ng internet ang edad 35 hanggang 44.

Habang 27% ang edad 45 to 54 at 12% ang edad 55 pataas.

Pinaka-madalas ding mag-surf sa net ang mga college graduate na may 73% at sinundan ito ng high school graduates, 56 %; elementary graduates, 26 % at non-elementary graduates, 9%.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *