high value
National

Bilang ng mga high value target, tumaas – PNP

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga high value targets ngayon ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos paigtingin ng PNP ang kanilang Oplan Double Barrel campaign.

Sa datos ng PNP, mula noong July hanggang ngayong buwan ng Agosto ng umabot na sa 9,972 ang naitala ng ahensiya mula sa target nitong 9, 800.

Paliwanag ni PNP Chief Oscar Albayalde, posible pa itong tumaas dahil sa nagpapatuloy na operasyon ng kapulisan lalo na sa kampanya laban sa iligal na droga.

Sa dagdag na datos ng PNP, sa dalawang taong kampanya nito, nasa 4,959 HVT personalities ang napasuko habang 28 ay naaresto sa operasyon.

May mahigit na animnaraang personalidad na pinaghahanap ng mga otoridad habang ang iba naman ay nasangkot sa ibang krimen o naging biktima ng homicide.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Counter Intelligence Group ng PNP sa mga ahensiya, at publiko sa ikadarakip ng mga personalidad na sangkot sa iligal na mga gawain.

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *