BFAR
National

BFAR, paiigtingin ang monitoring sa pag-angkat ng isda

Paiigtingin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kanilang monitoring sa mga inangkat na isda.

Kasunod ito ng ulat na may mga smuggled fish sa bansa batay na rin sa mga sumbong ng mga vendor.

Ayon kay BFAR Assistant Director Sammy Malvas, binabantayan nila ang mga fish port na ang retail prices ng mga isda kada kilo ay nasa isandaang piso lamang gaya ng galunggong.

Gayunman, itinataas ang presyo ng isda kapag ibinagsak na sa mga palengke kung saan umaabot sa P140-P160 kada kilo ng galunggong.

Sinabi ni Malvas na binabantayan rin nila ang second borders at processing plants na tumatanggap ng malaking suplay ng imported na isda.

Paliwanag nito, pinapayagan lamang ang importasyon kung sertipikado ito na “necessary” ng departamento at tanging institutional buyers lamang ang hindi inoobliga ng certification.

Presyo ng galunggong sa Metro Manila, tumaas

Tumaas ang presyo ng kada kilo ng galunggong sa ilang pamilihan sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng suplay.

Sa Paco Market sa Maynila, nasa P160 na ang kada kilo ng galunggong.

Nasa P140-P170 naman ang kada kilo sa Pagasa market sa Quezon City.

Habang P140-P150 ang kada kilo sa Tejeros Market sa Barangay La Paz, Makati City.

Mas mataas ito kumpara sa presyo ng tilapia at bangus.

Lokal na galunggong ang ibinebenta sa naturang mga palengke na hinahango sa Malabon o Navotas.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *