Benjamin Magalong
Regional

Benjamin Magalong, ipinroklamang bagong mayor ng Baguio City

PANALO bilang bagong alkalde ng Summer Capital of the Philippines, Baguio City si former Police General Benjamin Magalong.

Ayon kay Magalong, oras na para mabigyan ng resulta at matupad ang mga pangako sa mahigit na apat na raang libong residente ng Baguio City.

Bagama’t baguhan sa pulitika at halos huli na nagsimulang mangampanya ay nanguna pa rin sa mayoralty race si Magalong.

Ayon pa kay Magalong, malaki ang inaasahan ng mga tao, kaya kailangan nang kumilos at magsimula sa ibaba.

Nasabi niya ito pagkatapos siyang iproklama ng Comelec bilang mayoralty winner bago mag hatinggabi ng Mayo 13.

Bago pa man maging bagong alkade ng Baguio, namuno at nanungkulan na si Magalong sa Philippine National Police sa ibat ’ibang kakayahan, operational at management sa loob ng tatlungput walong taon.

Ang iba pang na-iproklamang panalo sa local na position ay sina Marquez “Mark” Go bilang congressman at councilor Faustino Olowan bilang bise alkalde ng lungsod.

ARJAY EYDAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *