bersyon ng senado
National

BBL bersyon ng senado, naaayon sa Saligang Batas

Kayang sagutin ng bersyon ng senado sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) ang lahat ng posibleng katanungan sa ligalidad nito sa Supreme Court.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, naayos na ng senado ang lahat ng isyu sa constitutionality ng BBL na layong magtatag ng Bangsamoro Region sa Mindanao.

Sinabi ni Zubiri na sa kanilang senate version, may mga probisyon ng pagkakaroon ng constitutional bodies sa Bangsamoro.

Una nang iginiit ni Albay Representative Edcel Lagman na posibleng labagin ng pagtatag ng Bangsamoro entity sa mindanao ang 1987 Constitution dahil ikinukunsidera ng Saligang Batas ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na constitutional body.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *