Batang Gilas
Sports

Batang Gilas, tinapos ang 2018 FIBA U-17

Hindi uuwi ang Batang Gilas na walang panalo sa nilahukang 2018 FIBA U-17 World Cup.

Natapos ang kanilang kampanya sa dalawang magkasunod na panalo matapos ang limang sunod-sunod na pagkatalo.

Unang pinayuko ng Batang Gilas ang Egypt sa iskor na 70- 69 noong Lingo sa Argentina.

Nanguna si Kai Sotto na umiskor ng 28 points, sumunod si Abadiano na may 15 points. Kapwa may 10 points naman sina Padrigao at Cortez.

Sa panig ng Egypt, nanguna si Khalifa na may 12 points, na sinundan ni Elmadawy na may 12 points at Morsy 11 points.

Sunod na pinataob ng Batang Gilas ang New Zealand 73-51.

Ngayon ay nangunguna ang Pilipinas sa New Zealand, Egypt at China sa 13th place na nakamit nito matapos ang pitong laro.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *