Luneta Park
Metro

Basurang nahakot sa Luneta Park at Baywalk ikinadismaya

MATAPOS ang pasko, sangkaterbang basura ang iniwan ng mga namasyal sa Luneta Park sa Maynila.

Puro kalat ang makikita sa Luneta kahit sa harap ng monumento ni Jose Rizal at maging ang halamanan ay ginawa na ring basurahan.

Kabilang sa mga nakuhang ay ang mga plastic bottle, plastic bags, plastic cups at iba pang uri ng basura.

Pansamantala namang isinara ang Luneta Park habang nililinis ito ng nasa tatlumpung street sweepers.

Ikinadismaya naman ng Ecowaste Coalition ang sangkaterbang basurang nahakot sa Luneta Park.

At maging sa Baywalk sa Maynila matapos ang pamamasyal ng mga pamilyang nagdiwang ng pasko doon.

Kagabi, tinatayang nasa 15,000 katao ang pumunta sa luneta at namasyal.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *