Baron Geisler
Showbiz

Baron Geisler, inakusahan ng physical abuse ng dating girlfriend

SANGKOT na naman sa panibagong kontrobersiya ang aktor na si Baron Geisler.

Ito ay matapos siyang akusahang ng dating non-showbiz girlfriend na si Karen Anne Tolosa ng physical abuse.

Sa social media, ibinahagi ni Karen ang mga larawan ng mga pasa at sugat na kaniyang sinapit dahil sa umano pananakit sa kaniya ni Baron.

Kwento ni Karen, isang taon at tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas nang halos mapatay na siya ng aktor dahil sa pambubugbog.

Giit nito, panahon na para magsalita upang matigil na ang mga kasinungalingang inilalabas ni Baron sa publiko.

Magugunitang una nang pinabulaanan ni Baron ang mga akusasyong ibinabato laban sa kanyang kaugnay ng pananakit ‘di umano ng babae.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *