NAREKOBER
National

Baril na ginamit sa pagpatay kay Ako Bicol Batocabe, narekober

NAREKOBER na ng mga otoridad ang ilang parte ng baril na ginamit sa pagpatay kay AKO Bicol Representative Rodel Batocabe.

Nangyari ang pagbaril noong Disyembre 22, 2018 sa Daraga, Albay.

Nakuha ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang parte ng caliber 45 pistol.

Tulad ng isang slider, stabilizer, barrel, bushing, mga bala at dalawang magazine.

Natagpuan ito sa septic tank sa bakuran ng isa sa mga suspek na si Emmanuel Rosello sa Barangay Sto. Niño sa Pili, Camarines Sur.

Si Rosello ang nagsilbing driver ng getaway vehicle sa krimen.

Sinabi ni CIDG Bicol Chief Senior Supt. Arnold Ardiente, dadalhin ang narekober na baril sa Kampo krame.

At magiging parte ng physical evidence sa kaso.

Maliban kay Rosello, hawak na rin ng pulisya ang lima pang suspek sa krimen habang dalawa pa ang pinaghahanap.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *