barack
Showbiz

Barack at Michelle Obama, nakisayaw sa concert nina Beyonce at Jay-Z

Nakuhanan ng mga fans na sumasayaw sina former United States President Barack Obama at si First Lady Michelle Obama sa kanilang box seats sa concert ng dynamic couple na sina Beyonce at Jay-Z sa Fedexfield, Maryland.

Nag-enjoy ang dalawa sa nasabing concert.

Feeling ng mga taong nanood ay normal na tao lamang ang former president at kanyang first lady.

Kamakailan ay dinala ni Michelle ang kanilang anak na si Sasha sa concert nina Queen B at Jay-Z sa Paris.

Matatandaang naging malapit na magkakaibigan ang mga Obama at ang singer/performer couple sa loob ng dalawang termino ni President Barack.

Naimbitahan na rin na magperform ang dalawa noong inauguration ni Obama noong 2013.

Maging noong 50th birthday celebration ni Michelle noong 2014.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *