National

Bantay-Undas2017: LTFRB, mag-iinspeksyon sa mga bus terminal

HANDA na ang mga opisyal at tauhan ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) sa gagawin nitong inspeksyon sa mga bus terminal sa Metro Manila, na magsisimula sa Lunes kaugnay ng nalalapit na paggunita ng Undas.
Ito ay upang matiyak na ligtas na masasakyan ang mga bus na bibiyahe patungo sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa.
Ayon kay Board Member Atty. Aileen Lizada, kabilang sa kanilang sisiyasatin ay kung maayos ang mga gulong, bintana, signal lights, seatbelts, fire extinguishers at kung kumpleto at balido ang mga dokumento.
Maging ang loob at labas ng mga bus terminal, mga palikuran, mga waiting areas na dapat may upuang may backrest at bentilasyon na magbibigay komportable sa persons with disabilities ay kanila ring iinspeksiyunin.
Bukod dito, maglalalagay din ang LTFRB ng mga help desk, security personel at dagdag na enforcers sa mga bus terminal sa Pasay City, Cubao, Quezon City at Sampaloc, Manila.
Samantala, papatawan ng LTFRB ng show cause order ang management ng mga bus company na hindi makakasunod sa kanilang mga panuntunan.
 
( Ulat Ni: Jimmy Mendoza )

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *