National

Bank of China magdadala ng 150 investors sa Pilipinas


Natutuwa ang Malakanyang sa plano ng Bank of China na magdadala umano ito ng sandaan at limampung investors sa Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang nasabing bangko ang itinuturing na ‘most internationalized and diversified bank’ ng China na nagpahayag ng intensiyong makipagkalakalan sa bansa.
Nakatakda umanong dumalo ang nasabing investors sa 12th Asean Finance Ministers Investors Seminar sa Cebu ngayong Abril.
Nauna nang inihayag ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Honorary Chairman Sergio Ortiz-Luis na nakatakdang magbigay ang Bank of China ng tatlong bilyong piso bilang assistance sa micro, small and medium enterprises beneficiaries sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *