Showbiz

Bandang Linkin Park, naglunsad ng webpage upang matulungan ang mga may ‘suicidal tendencies,’ at depressed

Naglunsad ang mga natitirang miyembro ng bandang Linkin Park ng isang webpage na iniaalay nila sa kanilang yumaong lead singer na si chester bennington.
Ang webpage ay chester.linkinpark.com
Ito ay isang suicide prevention site na naglalayong tulungan ang mga taong may “suicidal tendencies” o nagnanaiis magpakamatay, ganun na rin ang mga mayroon dinaranas na depresyon.
Sa nasabing website rin maaring magpost ng pagdadalamhati ang mga fans ng linkin park lead vocals.
Makikita sa webpage ang litrato ni bennington habang nagpeperfrom sa harap ng maraming tao, hotline lists, social media pages, at mga taong mayroong depresyon.
Kaugnay nito, naging bukas si Bennington sa publiko na nakaranas ito ng depresyon at drug abuse, na dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *