National

Balasahan sa PNP, ipinatupad

Nagpatupad na malawakang balasahan ang Philippine National Police (PNP).

Ayon sa pamunuan ng PNP, itatalaga bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Chief Supt. Guillermo Eleazar ng Region 4-A.

Papalitan ni Eleazar si NCRPO Chief Camilo Pancratius Cascolan na ililipat na bilang hepe ng Civil Security Group (CSG).

Mapupunta sa Office of the Chief PNP ang papalitan ni Cascolan na si CSG Chief Director Federico Dulay, Jr.

Samantala, si Cordillera Regional Director Chief Superintendent Edward Carranza ang pumalit kay Eleazar sa Region 4-A, habang si NCRPO Deputy Regional Dir.Chief Supt. Rolando Nana ang bagong Regional Director ng Cordillera.

Itinalaga naman si Chief Supt. Rolando Barajan Anduyan ng pro-ARMM sa NCRPO

Maliban sa mga ito, magkakaroon rin bagong taga-pagsalita ang PNP.

Ito ay sa katauhan ni Senior Supt. Benigno Durana.

Papalitan ni Durana si PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao na maililipat bilang PNP Regional Director ng Western Visayas.

Papalitan ni Bulalacao si Chief Supt. Cesar Binag na naitalaga naman bilang bagong PNP Directorate for Information and Communication Technology Management.

epektibo naman ngayong araw ang balasahan sa PNP.

Ilan naman sa dahilan ng balasahan ang pagreretiro ng tatlong directorate ng PNP, resulta ng isinagawang evaluation ng Oversight Committee at overstaying sa posisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *