Bagyong Ompong
National

Bagyong Ompong, pumasok na sa PAR

PUMASOK na sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong may international name na “Mangkhut.”

Dahil dito, tatawagin na itong Bagyong Ompong.

Sa huling weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,190 km silangan hilagang-silangan ng Guiuan, Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro kada oras mula sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kph.

Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa ang naturang sama ng panahon.

Paghahanda ng NDRRMC sa inaasahang Bagyong Ompong, nagpapatuloy

WALANG puknat na ang ginagawang paghahanda ng ibat ibang ahensya ng gobyerno bilang paghahanda sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ompong sa bansa.

Tinukoy ni Usec. Ricardo Jalad na ang Region 1, 2, 3, at CAR ang inaasahang direktang maapektuhan ng Bagyong Ompong.

Kapag papalapit na ang naturang bagyo sa kalupaan.

Ganunpaman, hindi naman dapat magpakakampante ang ilang lugar sa bansa katulad sa Visayas, MIMAROPA Region, Region 9, Northern Mindanao, at Caraga.

Dahil palalakasin ng Bagyong Ompong ang habagat na siyang makakaapekto sa nabanggit na mga lugar.

Dagdag pa ni Usec Jalad, magdedeploy rin ang pamahalaan ng karagdagang mga uniformed personel mula sa AFP at PNP.

Idedeploy ang mga ito sa mga lugar na derektang maaapektuhan ng bagyo para sa kakailanganing rescue and relief operation.

May nakapreposition na rin aniya na mga relief goods sa mga lugar na inaasahang maapektuhan ng bagyo ang DSWD.

Ngunit para matiyak ang kasapatan nito inaasahang magdadagdag pa ang pamahalaan ng karagdagang tulong o mga relief goods

Tuloy tuloy naman ani Usec. Jalad ang abiso ng DILG sa mga maaapektuhang LGUs na gumawa na ng mga precautionary measures o mga paunang hakbang.

Para matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga lugar na peligroso tuwing may masamang panahon partikular na sa mga landslide, at flood prone areas.

Dapat din anyang makagawa ng agarang pagpapalikas ang LGU officials kung kakailanganin na talaga.

Lalo na sa nasa coastal areas o malapit sa dagat dahil sa banta sa storm surge o daluyong.

Inaasahan na aabot sa 6 na metro na taas ng alon ang dala ng bagyo.

Nakatutok na rin anya ang pamahalaan sa lebel ng tubig ng mga dams sa Luzon sa posibilidad na umapaw na ito sa sandaling manalasa na ang bagyo.

Sa kasalukuyan ayon kay Usec. Jalad ay nasa 75% na ang kahandaan ng NDRRMC.

Samantala ang pamunuan naman ng MMDA ay nakaalerto na rin sa inaasahang epekto ng Bagyong Ompong dito sa Metro Manila.

Ayon dito kay MMDA special operations group head Bong Nebrija, naka-standby mode na ang kanilang rescue at recovery teams sa ibat-ibang lugar sa NCR.

Inabisuhan na rin ng MMDA ang mga ad firms na baklasin/i-roll down muna ang mga billboards at tarpaulins.

Dahil sa posibleng delikadong epekto ng malakas na hangin na dala ng bagyo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *