bagong
National

Bagong recruit ng PNP, isasapubliko para makaiwas sa mga scalawag

Hihigpitan ng pamunuan ng pulisya ang pagtanggap ng mga bagong miyembro.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, matapos pumasa ang mga kandidato sa pagka-pulis ay agad na ilalathala ang mga pangalan ng mga ito sa mga pahayagan.

Maging sa mga barangay at pampublikong lugar para sa kaalaman ng taumbayan.

Layunin nito na magkaroon ng agarang sumbong ang publiko kung sangkot ba ang mga ito sa krimen o anumang iligal na gawain.

Matapos nito ay hihimukin ang mamamayan na magsumbong sa pulisya kung may reklamo sa nasabing listahan.

Bagong PO1 na may mga kaso, nakalusot

Nauna nang kinumpirma ni Albayalde na may nakalusot na PO1 sa hanay ng pulisya.

Ito ay may standing warrant of arrest na hindi nababantayan ng pamunuan partikular na sa mga provincial at regional stations.

Agad na ipatutupad ang nasabing sistema sa lalong madaling panahon.

Pol Montibon

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *