Showbiz

Kristen Stewart, Naomi Scott at Ella Balinska, mga bagong Charlie’s Angels

Ibinunyag ng Sony Pictures na sina Kristen Stewart, Naomi Scott, at Ella Balinska ang tatlong pinakabagong gaganap na lead roles para sa classic reboot ng Charlie’s Angels.

Kinumpirma ni Ella Balinska sa kanyang Instagram account na isa siya sa gaganap sa iconic trio.

Sinabing niyang hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman dahil sa sobrang excitement.

Nananatili namang tahimik ang 28-anyos American actress na si Kristen tungkol dito.

Nakilala si Kristen  sa kanyang lead role sa sikat na movie franchise ‘Twilight’.

Samantalang si Naomi Scott ay kilala sa kanyang pagganap bilang Princess Jasmine sa live action ng Disney’s Aladdin.

Habang si Ella naman ay isang British actress na nakilala sa kanyang tv series na Midsomer Murders.

Ang kauna-unahang big screen franchise ng Charlie’s Angels ay ipinalabas noong taong 2000.

Ang mga gumanap sa tatlong lead role ay sina Lucy Liu, Drew Barrymore at Cameron Diaz.

Inaasahang sa Setyembre sa susunod na taon ipapalabas ang nasabing movie reboot.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *