cruise ship
International

Babaeng nahulog sa cruise ship, narescue sa Croatia

Isang babaeng Briton ang himalang nakaligtas pagkatapos mahulog sa sinasakyang Norwegian cruise ship noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang babae bilang si Kay Longstaff ng England, 46 na taong gulang na nailigtas ng Croatian Rescue Ship linggo ng umaga pagkatapos niyang languyin ang Adriatic Sea ng sampung oras.

Pinaniniwalaan nito na ang koneksyon niya sa yoga fitness at pagkanta sa tubig para makalimutan ang lamig ay labis na nakatulong sa kanyang survival.

Isang Croatian Coast Guard Ship at PC-9 search plane ang inatasan para iligtas si Kay.

Stable na ang kondisyon ng babae habang patuloy na iniimbestigahan ng Croatian authorities ang insidente.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *