Babaeng Chinese
Metro

Babaeng Chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis, kinasuhan

KINASUHAN na ng Philippine National Police ang babaeng Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang pulis na nagbabantay sa Boni MRT Station.

Nakilala ang suspek na si Jiale Zhang, 23- gulang at estudyante ng school of fashion sa Sofa Design Institute.

Nahaharap ang babaeng Chinese national sa kasong Disobedience to Agent of Person in Authority and Direct Assault.

Ayon kay NCRPO CHIEF PDIR. Guillermo Eleazar, irerekomenda nila na undesirable alien ang suspek.

Kasunod ito ng pananaboy ng taho ni Zhang sa pulis na si PO1 William Cristobal.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *